pong-pong's Diaryland Diary

-----------------------------------------------------------------------------------------

Isang mahabang araw..

nanaman:)

Nagising ako ng 11 am at pagkatapos magayos ay pumunta na kami sa
Medical City para sa check-up ko. Gusto ko
sana ipakita ang pikstur ng braso ko dito kaya lang wag
na baka mahabag kayo. haha. di naman siya
kalala pero di ko maintidihan kung ano siya..

nagkaroon kasi ako ng bukol sa may braso
ko bigla. parang kabute siyang sumulpot at
ngayon ay nagmultiply pa siya
-aba umaaasenso!..
At tuwing gabi, masakit siya,
as in parang gusto ko paputol
kamay ko (na`ko wag naman sana)

sumakay kami papuntang rotonda,
sumunod, sumakay kami ng fx
papunta robinsons..

sumunod ay nagtaxi nalang
kami dahil walang jip.
Nakakatuwa naman yung sinakyan
naming taxi dahil masusuka ka
sa loob, hanep yung may-ari
gawin ba namang design ang
air freshener! 5 freshener nasa
sasakyan niya at nakakasuka.
Mabuti na lang at may sarili akong
mas matinong pabango :)

natapos ang check-up ng 230 pm
ata. at ayon naman sa mga doctor,
normal ang aking blood examination,
ang kaso kailangan parin magpacheck
sa surgeon..blabla di ako alam kung
ano yun - para daw masigurado :)

*whewww*
akala ko kung ano na mangyayari saken,
pero hindi pa nagtatapos dun ang
kalbaryo ng kabuteng bukol sa kamay ko.
May mga susunod pang check-up, ay nako
sana magevaporate na siya!

Pagkatapos, pumunta na kaming Megamol
kumain sa jollibee. Dun ko natikman
yung bagong sundae nila, yung caramel!
Ang sarap pala nun! Try nyo.
(Magadvertise daw ba?)

At sa wakas, kahit di ko inaasahan,
ay bumili kami ng matagal ko ng
inaasam na cellphone.


Nokia 5310

akin ka!:)

Hahah. Kaso sayang walang kulay red,
pink o black. Bumagsak ako sa blue.


Di pa naman ata napapalitan housing nown

Di bale, ang mahalaga, ay may cp na ako.

Gaya dati, makakapag sound3p na ko
eniwer enitaym at eniday. At syempre,
ang pagpicture ay balik sa dati!

Hinding hindi ko na siya ipapahawak
sa mga nanglulublob ng cellphone :)


Aypramis!!!..

Isa pa, nakakatuwa nanay ko kasi
sya mismong nagsabi na ipahiram ko
muna yung cp na 3310 kay Christian,
ayaw niya raw kasing nagpupuyat ako.
Waw! Kagabi kasi nagaway kami 12 na
ako natulog kasi nagchat kami ni
Christian. Kasi naman Christian,
walain daw ba ang cp?!

Haha. Basta mapapalitan yun.

O siya siya, kakain lang ako :)


Magandang gabi!

Na`ko! Naalala ko assynment ko
sa chem. Nakakatamad gumawa ng assynment.


Haha. Ciao (pixurz soon)


Mukhang bangag :)


ITLOG:))


Nanay

<b>Salamat Photobucket (once more)

7:31 p.m. - 2008-08-25

-----------------------------------------------------------------------------------------

previous - next

latest entry

about me

archives

notes

DiaryLand

contact

random entry

other diaries: