pong-pong's Diaryland Diary

-----------------------------------------------------------------------------------------

...title-less :D

matapos ang mahabang pagtulog..
ay eto na ulit akeeew!

ngayong gabi, eh papunta ng
thailand si inay. at ako'y
nalulumbay. andito ko, si lola
kasama ko,di si inay..

Mamimis ko si inay :(
wala ng sesermon,
wala ng magluluto ng tokwa
wala ng magpapaala na magingat ako..
kahit pansamantala lang yun
namimis ko si inay.

di bali naman, isang linggo
lang. sana magenjoy sila ni itay
sa bekeysyon nila. ako, ayun,
quizzes ang ieenjoy ko (hay grabe)

Andiyan pa si Ma'am PE na kala
mo lord! takte kasi, biruin mo,
lahat ng gastos, pawis, pagod at
hirap namin sa astrodome mapupunta
sa wala. eh sa wala naman siyang
sinabing ipapasa agad attendance
sa kanya dun. alam mo ginawa?
bigay daw kami ng proof na andun
kami. ayun si klasmeyts, pakita
ng picture. DUH!.. lahat ba may
camera? tsk. sarap sumapak.
kaya nga nagaaral sa public
school kasi financially not aided..

grrr.
makikita mo magkakacp din ako
mainggit ka sa tingin!!

ano grade ko nun kung equal to 40 pts. yun?!
singko? sais? takte siya! naka-92 na
nga ako sa quiz niya ayun pa pambati
niya sa midterm grades ko? *(&(*&st!

hai.sabi ni ayyzzz, relax..
hihi di ko na nga iisipin yan.

sana, maglanding ng matiwasay
yung airplane na sinasakyan ng nanay
ko. at sana, magkasya allowance ko.
at sana, mataas grade ko sa chem.
at algebra (kahit di pa ako nagrereview)
-bukas na, may 3 hr break naman ako.
reviewer ko gagawin ko.

...eniweis. sobra akong nagagalak
dahil naturuan ko na magadobe photoshop
cs3 si pugo
(eto yung gawa niya, click mo!)
buwahaha. buti na lang
at nakahanap na ako ng portable version
niya kahapon. ay grabe it took me, 3
days para makahanap ng portable na
latest photoshop. ang hirap hanapin
ng mga extended versions ng cs3 at cs4.
pero may cs3 naman ako, saka naun. mas
maganda pala yung cs3, mas madali.
sabi, naiba lang sa cs4, eh yung splash
thingy. na di ko alam kung ano man yun..


alam mo?
alam mo?
alam mo?

..gusto ko na ng bagong layout sa blog!

kaso walang time..
gabi ako nakakauwi!xD

haha. sige sige, til nekz time!

10:22 p.m. - 2008-07-28

-----------------------------------------------------------------------------------------

previous - next

latest entry

about me

archives

notes

DiaryLand

contact

random entry

other diaries: