pong-pong's Diaryland Diary

-----------------------------------------------------------------------------------------

Abnormal internet server namin xD

Haha.
Haha.
Haha.

Isang kalokohan.
Ang pagkakaalam ko,
eh wala kaming internet.

..pero t@nX*&U&-0!
may internet pala!
Ang pagkakaalam ko,
nasira, kasi putol daw
ang kable sabi ng nanay ko..
pinutol daw ng kapitbahay
kasi akala kuryente, shunga naman nun.

tapos, pagbukas ko ng
netscape (nagtry lang)
eh ayun..nagopen ang homepage
ng yahoooooooo!

syempre, dito una kong pupuntahan:)
ay grabe. mawiwindang ako.

..any-who. este, way,
nais ko lang ishare ang kwento
ng mahiwagang piso at benchingko.

unahin na natin yung 25 centavos.
di ko kasi alam kung tamang benchingko itawag ko eh. tama ba? o bentesingko?

..MAHIWAGANG 25 CENTAVOS.
*Kagagaling namin sa away ni Christian
nun. Pero sa wakas, ay nagbati na kami.
Dahil sa tuwa eh ninais ko ang makatekz
siya. Pero sa kasamaang palad din, ay
wala kaming pera. Awww. Meron ako kaso
kulang na kulang. alam mo kung magkano?
20. ibig sabihin, kulang na lang ng 5.
dahil ang dapat na load nun eh 25.
Pano na? Saan ako maghahagilap ng pera
kung walang wala na talaga?...
Ganito ang ginawa ko: Napansin ko kasi
tuwing naglilinis ako, napakaraming
pakalat-kalat na 25 centavos. Meron dito
meron doon, at kung saang lupalop ng
bahay namin. Aba! Malupet! Hanggang sa,
isa na lang kailangan ko. Pero mailap
ang tadhana, wala talaga. Ginawa ko ulit?.. ayon! sumuot pa ako sa ilalim
ng sofa. *may butas yun ilalim*..
at sa kabutihang palad (na) ay napunan
ang kinailangan kong benchingko :)

Nakakatuwa talaga.
Dito ko narealize, na mahalaga rin
nga talaga ang maliliit na bagay.
At sa bengchingko nagsisimula ang bawat
piso na nagbubuo sa malalaking pera.

...MAHIWAGANG PISO, July 17 `08
Uwian, naubos ang pera ko dahil sa
paluwagan. 10 na lang pera ko. 14 ang
pamasahe. Buti na lang, nakahiram
ako kay Christian. Magaling. Makaka-
uwi na ako. Yess! At nung nakasakay
na akong jeep, hawak-hawak ang nata-
tanging pera ko. 14 lang ata ang pera ko.tamang-tama. ayos na.
Kaso, sa pagbibilang,
bigla kong naalala na siete na pala ang
pamasahe sa jeep ayon sa mga kamag-aral
at kakilala ko! Takte, paano yun? parang
magkukulang yung pamasahe ko? Grrr..

..pero, ayun, subok parin ako.
Binayad ko, sais. Hahaha. Haha. Haha.
Wala naman sinabi si Manong drayber,
kaya laking pasasalamat ko. Pagkabayad
ko, eh sumakay ang klasmeyt ko dati,
si ApPLe. Nagdaldalan kami, tapos
pinaabot niya yung bayad niya sakin.
SIETE ang pinaabot niya. Pero dahil
sa ka-clumsy-han ko eh nahulog yung
piso, may butas kasi dun sa gitna nung jip. parang joke lang nga eh. Pero,
binayad ko parin. Magkano? SAIS.

...natameme ako kasi di ko masabi
kay ApPLe (di kami close). Pero, sa
gulat ko, eh wala paring sinabi si
Manong Drayber. *Ay Tenkyu Lord!*

Napansin ko na lang, nung pababa na ako
sa palengke, may hawak akong piso. Pero,
di ko alam kung paano napunta sa kamay
ko yun. siguro galing outerspace.
Nakakatuwa :)

..natutuwa rin ako sa tricycle na
sinakyan ko pauwe. Wala lang, yung
tatay kasi na drayber, sinama yung
maliit niyang anak. Tapos eh, umambon,
kaya syempre mababasa yung bata, nasa
harap pa naman ng drayber's sit. Kaya
ginawa nung tatay, pinalipat niya sa
likod niya at pinayakap para di
mabasa yung anak niya. Miminsan lang
ang mga tatay na ganito..

..naaalala ko nanaman tatay ko,
nung huli, eh nagalit sa akin yun.
Kasi ba naman, sa cellphone ko
tumawag. Nagmimisscall ako nun kay
Christian eh, kaya hayun, nagbusy!
Nagalit sakin kasi di niya ko makontak,
eh di niya makontak nanay ko kaya ako
tinatawagan. E nung nakatawag na siya,
sabi ko. "Bakit ka sa akin tumawag?!"
..tamang, badtrip ako nun. At walang
wala ako sa mood.At ang akala ko kasi,
sa cellphone ng nanay ko siya tatawag,
pinabantayan niya pa nga yung cellphone
tignan ko raw kung tatawag tatay ko..


Hay, so yes, maraming namamatay
sa akala. Madaming side epekz ang
puro akala. Gaya neto, di ako nakapag-
blog ng ilang araw sa pagkakaakalang
walang internet. Haneeep. Haniip.
Nagiinternet naman ako sa labas,
kaso, tinatamad ako mag-blog sa mga
internet cafe, isa pa, kasama ko nun
lagi si Christian kaya, nagbobonding kami. Ayun yun, at syempre, busy sa
school. Lagi late uwi, at yada-yada.
Sa katunayan, ang plano ko eh sandali
lang ako magppc para magphotoshop.
Bumili kasi ako ng sticker paper,
gagawa sana ako nung piprint ko dun,
para sa gitara ko :)

Tinry ko lang talaga ang netscape.
At eto na siya. Wooooooooo:)

..pero naextend pa tuloy. Bukas,
ay test namin sa chem, math din ata
may quiz? Tapos, P.E. namin, kakapagod
naman yun, magdadala pa kami ng damit.
Bakit kasi ang arte ng mga teachers,
bakit, hindi na lang na, kung PE day eh
PE uniform. Kala mo private public lang
naman. Feeling. Grrr. Tapos, Computer
Programming, hands-on kaya? Medyo tina-
tamad narin ako sa Programming. Haha.
Peram naman ng cd ng MS VS 6.0!..

9:46 p.m. - 2008-07-17

-----------------------------------------------------------------------------------------

previous - next

latest entry

about me

archives

notes

DiaryLand

contact

random entry

other diaries: