pong-pong's Diaryland Diary

-----------------------------------------------------------------------------------------

luha..

Akala ko kasi di mo ko iiwan eh :)
ang tanga kasi ng nagstate na,
"silence means yes"..
Di naman palagi silence means yes eh.
Minsan, nanahimik ang isang tao
para isipin ang mga tamang salita,
salitang di makakasakit..
at yung, mapapagpakalma.

Akala ko sasabayan mo ko pauwi,
akala ko, hihintayin mo na makalma ko
ang sama ng loob ko..

Di ko kasi matanggap eh.
Pasensya ka na di ko alam
na di mo alam ang ilang bagay :)
Pasensya kana di ko alam na
wala ka talagang interes sa pag
-cocomputer.

At kung, di mo naman talaga gusto
magIT. Bakit pa kasi kita hinikayat
ano? Ayaw mo na man talaga. Gusto mo,
magshift ka na sa 2nd sem. MagECE ka
na o nursing gaya ng gusto mo.
Matalino ka naman.

Pasensya ka na di ko alam na
nandun sa computer shop na
madalas natin tambayan yung epal
kong ex eh.

Pasensya ka na gusto ko manahimik
para masabi ko sayo ang tamang salita.
Pasensya ka na, akala ko mahaba ang
pasensya mo sakin..

Alam mo?
nasaktan ako dahil sinabi
mong walang kwenta ang relasyon natin..

Di naman sa di kita pinapansin
gusto ko lang talaga pakalmahin ang
sarili ko..

Siguro nga hanggang dun na lang kaya mo.

Akala ko, di mo ko iiwan eh.
At akala ko andiyan ka palagi..

Sana itekz mo ko, di gaya ng
sinabi mo. Pero kung ayaw mo,
ayos lang. Maghihintay na lang ako..

Maghihintay na lang din ako
mawala yung pagmamahal ko sayo..

kasabay nun mawawala yung
sakit.


Pasensya ka na ayoko na
maniwalang may forever pa sayo.
Kasi, ayon sayo, wala namang
kwenta relasyon natin kesyo madalas
nananahimik ako pag magaaway tayo..

Akala ko kasi alam mo ng ganun ako eh.
Akala ko kasi kilala mo na ko eh.

Di mo ba pansin, pagnananahimik ka,
binibigyan kita ng space para magisip.

Pasensya na tao lang ako ah :)

Kung mabilis ako mainis,
akala ko may pasensya ka talaga,
PASENSYA na.

..di bale, kapag nawala ako,
wala ng makulit at isip batang
kasama mo. Wala ng dahilan para
magipon ka, gumastos ka lang.
Di mo na kailangan pumasok ng
Biyernes kahit wala kang pasok,
at pwedeng-pwede ka na makipag
-bonding sa "bestfriends" mo:D

Di mo narin kailangan magload,
di mo na kailangan maginternet
para magemail. Wag ka na rin
magblog buburahin ko na lang
yun wala naman silbi. Magtekz
ka na rin kung sino gusto mo itekz,
kahit magsmart ka pa.

Pero sa likod ng sama ng loob
hinihiling ko, sana, magsorry ka
na lang :)

Kahit alam kong wala naman akong
aasahan. Napapagod na rin kasi ako
umasa minsan eh. Napapagod narin ako
umiyak. Di bale, di ka na rin iiyak.
Kanina nga hinayaan mo ko umiyak na-
naman eh. Ni di mo man lang ako
sinabayan sa tricycle.

Sana panaginip na lang to :D

Ininda ko ang init at paglalakad
para makakain tayo ng marami kanina..
Ngumiti ako para gumanda ang araw,
pero lumuha parin ang ulap, gaya
ng luha ko..

Sana di mo gawin ang mga
sinabi mong masasakit na salita.
Kasi alam mo? Mahal na mahal kita.

Kahit na sinabi ng nanay ko
na kung ayaw mo sakin pabayaan kita.
Mahal na mahal kita..

Salamat na lang nga pala
nasabi ko sa nanay ko, atleast,
may naiyakan ako. Sana nekz time
ikaw naman ang yumakap sakin kapag
umiiyak ako, kasi kahit kailan di
ko naexperience sayo yun, tipong
ikaw pa nagpaiyak sakin..

Pasensya na ha?

..kahit alam kong di mo mababasa to
basta nasabi ko na ang gusto ko.

Sori ha?
Di ako magaling magsalita.

Ayos lang, tingin ko naman
di ako kawalan sa iyo.
Palagi naman ganun eh.


..wala ng taong minahal ko nagpahalaga
sakin. Puro asaness.

6:41 p.m. - 2008-07-19

-----------------------------------------------------------------------------------------

previous - next

latest entry

about me

archives

notes

DiaryLand

contact

random entry

other diaries: