pong-pong's Diaryland
Diary
-----------------------------------------------------------------------------------------
sa wakas!!..
May internet na kami sa bahay ulit!
(SA WAKAS)...
ang dami dami ko ng untold stories at articles, sa pagkadami eh nalimot ko na.. pero siguro, kahit nagkainternet kami kaagad eh di parin ako masyado updated sa dami ng klase ko.. at ngayon, dadagdagan pa yun. hihi x)
FRIDAY..
eto yung, naka92 ako sa quiz sa PE. Akalain mo yun? considering na hate na hate ko talaga subject na ito. iisang klasmeyt ko ang naka83, the rest 75-below na. First quiz lang naman, pero, nayamot teacher namin. Sa mga oras na yun, na binanggit ng prof namin ang pangalan ko, tila nais ko ng magevaporate - kasi nagtinginan sila sakin "sino yung ochoa?".. parang kakainin nila ko.. nagpapakopya naman ako, kaso, yung pinapakopya ko eh malabo ang mata di niya raw nakita kaya kasi di siya nakasalamin.. ewan ko ba kung paano ako naka92.. sinuwerte lang siguro.. haha. sana chem na lang yun eh!!..
pero masaya, kasi maayos 1st impression nung prof namin sa pe.. (bagaman for the whole class eh hindi) ..tama lang, co-teacher yun dati ng lola ko eh, nakakahiya naman kung bagsak ako. sana nga lang eh, maging consecutive high scores yun...
..pero, naka92 nga ko sa 1st quiz sa PE, nawala naman ang baunan ko :( yung favorite kong bag, yung grin na may pusa.
nakakalungkot. napag -diskitahan na siguro ng higher years sa napagiwanan.
FAVORITE KO PA NAMAN YUN ...at nawawala parin ang mahal kong scientific calculator na nung grade 4 pa sakin. huhuhu. eh sa august pa naman kami magkakapera..
SATURDAY..
may internet na!! pero nalimot ko na talaga ang mga nais ko ipost sa maliit kong blog.. pinlano ko ring gumawa ng bagong layout (pinaplano ko parin.)
40 pesos lang baon ko ngayong araw.. kinulang ang pamasahe ko pauwi, pero,
buti nalang andiyan si Prinsipe Christian, mabuti rin na parehong may sabado kami at di katagalan ang oras nila at kahintay -hintay naman. nilibre niya rin akong pagkaen, pero naglaro pa sila ni Robert ng chess na kinabatohan ko (hindi ko talaga type ang pagchess).. pauwi, inabot kami ng ulan, kaya ayun basa ako.
walang payong eh, nagpapapasan ako nung malapit na samin. hihi. baha eh! ang saya x)
..at kasalukuyan, naguunli ako ngunit ang tagal ko maunli ulit.
WELCOME
BACK INTERNET :))
added notes: nagdagdag ako ng kung anu
anung widget sa pinakamamahal kong blog:) kaya naisip ko munang wag na
gumwa ng layout. sa pasko nalang o sembreak! :))
6:37 p.m. - 2008-07-05
-----------------------------------------------------------------------------------------
previous - next
|