pong-pong's Diaryland
Diary
-----------------------------------------------------------------------------------------
kahit ano na lang..
Happy Monthsary daw..
Err. sa totoo lang, di ako nagenjoy sa "monthsary" namin ngayon.
walang thrill. walang surprise. okay na sana yung walang pera. pero, basta parang mas malala pa sa ordinaryong araw..
wala lang.. namimiss ko lang kasi ang
sweetness, ang
kakornihan, ang hindi pagpansin sa ibang bagay basta kami.. Ayos naman ang simula eh, medyo nalate pa nga ako sa usapan, haha. Ang totoo, maagang-maaga akong pumasok sa school. Tanghali ang klase ko eh. Pero nagpumilit ako kay Christian.. ..para narin gawin ang assignment ko sa english na hindi natapos at magpa -turo sa filipino. Nang magklase sila, lumabas akong school para bilhin yung gusto ni Christian na id holder. 20 lang naman siya :) ..at hinintay ko mag12 pm. Buti na lang andun sina Jenelyn at Robert niya, at dumating narin si Sheana :) Ayos, sabay kami kumain, kasabay din namin close prenz niya sa 1A.
...may dala pa nga siyang
gummy worms para sakin eh. at dala niya din yung scrap book niya, na puro sulat ko at kung anu-anong ako.
May sulat din siya para sakin, pero ang ikle. Namimiss ko ang mga
malanobelang sulat niya.. Hindi yung, wala pang isang segundo tapos na
ako basahin, dinaan sa width ng papel. ...klase, at pagkatapos, maaga kami bumaba ng room. inexpect ko na andun siya at naghihintay.. pero wala..
makalipas ang ilang minuto.. eh nakipagdaldalan na lang ako kay Monte na sulpot ng sulpot.
"Bakit andito pa kayo?" tanong niya. "Wala lang...may.." sagot ko :)
.."ahh, hinihintay mo boyfriend mo!
Na`ko nambabae na yun!!" *tango* "Haha, ganun, edi manlalalake ako!"..
"Kaya mo? Di mo naman kaya eh"> "Hindi nga, joke lang yun" :) "Buti di kayo pinapagalitan ng mga parents nyo?
Legal kayo?" *tango ulit* (may halong pagdadalawang isip) "Ang
tagal.." sabi ko. "Oras ba klase niya?" "Wala na nga eh, kaso wala akong pangtekz eh kaya di ko mainform na wala na kaming klase. Nasa kanya pa naman cp ko" "Ha? Ba`t kayo nagpalit?" "La, trip lang.." -hiniling ko sa mga oras na ito na sana eh nasa bahay na lang ako.. ..nagdaldalan kami ni Monte hanggan sa dumating si
Christian. Iniwasan ko ang mabugnot dahil "monthsary" namin..
Inisip ko talaga eh, kaya siya wala sa school eh dahil bumili siya nung pinangako niyang cotton candy :)
..pero ang totoong dahilan, kaya daw siya wala sa school eh dahil sumama siya sa mga kaklase niya sa computer shop. Ayos, kinakalimutan ko na
lang
ang
cotton candy.
Pero sana man lang, eh gumawa siya ng malupit na sulat!
Pinilit ko magpigil sa pagkainis.. Tapos,
humingi ako nung gummy worms na dinala niya para sa akin, ang kaso sabi niya eh paubos na.
`Nak ng tokwa!
..tama bang kainin mo yung ibibigay mo? Grrr. At di ko na napigilan, nung una, pabiro ako nagsabing napakadaya niya. Pero nanahimik ako sa sama ng loob.
Nung dumating mga kamag-aral niya, eh inaya ko na lang siya na samahan ako magtingin-tingin ng diksyunaryo.
..."ayoko sumakay, iwan mo na lang ako sa simbahan maglalakad ako." sabi ko.
Pero di siya pumayag. Kaya ayun hinatid niya nga ako hanggang palengke.
..tahimik kaming naglakad. Ako, ng may dalang sama ng loob. Siya, alam ko ganun din. Siguro inis nanaman siya sa sarili niya. Ganun yun eh, nagseself pity kapag naiinis ako.
Tinanong niya rin ako kung magloload kami pero sabi ko ayoko, wala akong pera, pagod ka mamaya wag na lang [insert kahit anong palusot] naka-off nga ang cp ko eh HAHA :)
note: ito ang first time na nag-tanong siya. ..tapos, nung pinapahiram ko pa yung payong ko para di siya mabasa sa paguwi, ayaw ng ayaw.
nakakainis, magpapakita ka ng concern mo di pa tanggapin. ..at iyan ang
happy monthsary. on the contrary. HaHa.
....hindi na ata requirement ang magpakasweet ngayon sa isang relasyon. Haha. ..Pauwi ay halos maluha-luha ako sa pagkayamot.
Naalala ko na naman tuloy ang
tatay ko. Di ko alam kung alam ng tatay ko ang pagmumukmok ko dati sa tuwing nagaaway kami ni Christian, pero malamang. ..sa mga ganun oras,
ipinagluluto ako ng mahal kong tatay. kung di naman, basta bababa ako sa kwarto, at manonood kami ng spongebob o magmomovie marathon.
..Hay, nakakamiss si tatay :) Pero mabuti`t nakakachat na namin siya at nakikita.
Salamat internet. Lesson Learned:
"Wag ka na lang magexpect, kung wala talagang maexpect. Wag ka maghintay kung di bukal sa loob mo."
..sa ngayon din eh pinipilit ko ilimit ang sarili ko sa pagiinternet dahil ayoko maging adik. Baka kasi matuyo ang utak ko. Haha. Joke. At napaisip akong simulan na ang aking pinapangarap na website, pero sisimulan ko iyon sa isang blog gamit wordpress. yung tipong website and weblog in one :)
..Kahit na yamot ako kay Christian, mahal na mahal ko parin siya. As in mahal, gusto ko lang sanang maging gaya siya ng dati. Napakasweet nun, tapos, lahat pinaghihirapan at super effort.
Pero habang tumatagal naubos, miminsan na nga lang yun magsulat sa akin. Di gaya dati na araw araw. Di na rin sumusulat sa diary namin. Nakakayamot, nakaisang buwan `yun sa kanya, inaamag na nga ata eh.
..napapalunok na lang ako sa sinabi ng klasmeyt ko kanikanina lang "ang sweet naman ng boyfriend mo!"
Kung SWEET talaga ang boyfriend ko, namimiss
ko na ang boyfriend ko.
..coffee break, more
SUGAR
please.
added: nakakatuwa naman.. nasa 2nd na ako sa google search ng nadine camille..
actually first na pla :) yung memorable post ko sa blog ko.. pang 2nd.. hayy.
memories..try
niyo :)
7:58 p.m. - 2008-07-07
-----------------------------------------------------------------------------------------
previous - next
|