pong-pong's Diaryland
Diary
-----------------------------------------------------------------------------------------
[insert title ng post - wala ako maisip]
Iba talaga kapag mahal :) ayon, kahit yamot ako sa kanya pinatawad ko siya. Haha. [ganun.nga.ata.talaga]
Anyway, kahapon di ako nakapagpost dahil kachat ni nanay si tatay.
Mabuti na lang talaga may internet para makausap si itay :) Late din ako nakakauwi kaya di na ako nakakapagpc..
Kapag umuuwi kasi gusto ko na lang matulog, ng matulog ng matulog. :) Oo nga pala, nagkatotoo ang hiling ko.
Naka-93 ako sa chem! Wooohoo. Nako,
achievement na yon. Di kasi talaga expected, kasi wala naman akong hilig sa chem. Kaya ngayon
naiinspire ako magaral pa lalo. Kaso bugnot ako sa PE, kasi bakit pa kailangan mag example ng Ballistic blablablah, dapat talaga excempted na lang ako sa kaekekan na ganun eh. *hikab.hikab.hikab* Lahat ba ng paaralan me "hymn"? Haha. wala lang. assignment kasi namin yun sa nstp. nako. bukas nstp. ang sakit nanaman sa utak yun. ..di naman siya math eh, wala lang. nakakabato kasi. kasi puro kwento, yadayadayada. pero nakikinig naman ako. kaso lang, inaantok ako. tamang tama pa na puro kulang kami ng tulog. Palibhasa me mga up to nine schedule.. Nakakapagod. Kaya ko namimiss ang high -school eh. Kasi noong highschool. Mga estudyante, gusto umuwi ng late maaga naman uwian. College, late ang uwi gustong-gusto umuwi ng maaga. Pero wala naman pagba -bago dahil mahilig parin ako umuwi ng late `pag maaga ang uwian. wala lang, masaya rin kasi makipagdaldalan sa mga kaibigan :)
..naniniwala ba kayo na kapag vinisualize ang isang goal, eh nagkaka- totoo?�
;; parang bitin ang post nu? wala na ako maisip eh. blanko talaga :) haha. sige sige, gagawa na ako ng assignment:) `til nekz time!
+grabee. 1 araw lang ako di nagbukas may 100 emails
na xD
9:24 p.m. - 2008-07-09
-----------------------------------------------------------------------------------------
previous - next
|