pong-pong's Diaryland Diary

-----------------------------------------------------------------------------------------

sa wakas!!..

May internet na kami
sa bahay ulit!

(SA WAKAS)...

ang dami dami ko ng untold
stories at articles, sa pagkadami
eh nalimot ko na..

pero siguro, kahit nagkainternet
kami kaagad eh di parin ako
masyado updated sa dami ng klase ko..

at ngayon, dadagdagan pa yun.
hihi x)

FRIDAY..
eto yung, naka92 ako sa quiz sa
PE.
Akalain mo yun? considering
na hate na hate ko talaga subject
na ito. iisang klasmeyt ko ang
naka83, the rest 75-below na.
First quiz lang naman, pero,
nayamot teacher namin. Sa mga oras
na yun, na binanggit ng prof namin
ang pangalan ko, tila nais ko ng
magevaporate - kasi nagtinginan sila
sakin "sino yung ochoa?"..
parang kakainin nila ko..
nagpapakopya naman ako, kaso, yung
pinapakopya ko eh malabo ang mata
di niya raw nakita kaya kasi di siya
nakasalamin..
ewan ko ba kung paano ako naka92..
sinuwerte lang siguro.. haha. sana
chem na lang yun eh!!..

pero masaya, kasi maayos 1st impression
nung prof namin sa pe..
(bagaman for the whole class eh hindi)
..tama lang, co-teacher yun dati ng
lola ko eh, nakakahiya naman kung
bagsak ako. sana nga lang eh, maging
consecutive high scores yun...

..pero, naka92 nga ko sa 1st quiz
sa PE, nawala naman ang baunan ko :(
yung favorite kong bag, yung grin
na may pusa.
nakakalungkot. napag
-diskitahan na siguro ng higher years
sa napagiwanan. FAVORITE KO PA NAMAN
YUN
...at nawawala parin ang
mahal kong scientific calculator

na nung grade 4 pa sakin. huhuhu.
eh sa august pa naman kami magkakapera..


SATURDAY..
may internet na!!
pero nalimot ko na talaga
ang mga nais ko ipost
sa maliit kong blog..
pinlano ko ring gumawa ng
bagong layout (pinaplano ko parin.)

40 pesos lang baon ko ngayong araw..
kinulang ang pamasahe ko pauwi,
pero, buti nalang andiyan
si Prinsipe Christian
, mabuti rin na
parehong may sabado kami at di
katagalan ang oras nila at kahintay
-hintay naman. nilibre niya rin akong
pagkaen, pero naglaro pa sila ni
Robert ng chess na kinabatohan ko
(hindi ko talaga type ang pagchess)..
pauwi, inabot kami ng ulan, kaya ayun
basa ako. walang payong eh, nagpapapasan ako nung
malapit na samin. hihi. baha eh!
ang saya x)

..at kasalukuyan, naguunli ako
ngunit ang tagal ko maunli ulit.

WELCOME

BACK INTERNET :))

added notes:
nagdagdag ako ng kung anu anung
widget sa pinakamamahal kong blog:)
kaya naisip ko munang wag na gumwa
ng layout. sa pasko nalang
o sembreak! :))


6:37 p.m. - 2008-07-05

-----------------------------------------------------------------------------------------

previous - next

latest entry

about me

archives

notes

DiaryLand

contact

random entry

other diaries: