pong-pong's Diaryland Diary

-----------------------------------------------------------------------------------------

kahit ano na lang..

Happy Monthsary daw..

Err. sa totoo lang, di ako nagenjoy
sa "monthsary" namin ngayon. walang
thrill. walang surprise. okay na sana
yung walang pera.
pero, basta parang
mas malala pa sa ordinaryong araw..

wala lang..
namimiss ko lang kasi ang sweetness,
ang kakornihan, ang hindi pagpansin
sa ibang bagay basta kami..

Ayos naman ang simula eh,
medyo nalate pa nga ako sa
usapan, haha. Ang totoo,
maagang-maaga akong pumasok
sa school. Tanghali ang klase ko
eh. Pero nagpumilit ako kay Christian..

..para narin gawin ang assignment ko
sa english na hindi natapos at magpa
-turo sa filipino.

Nang magklase sila, lumabas akong
school para bilhin yung gusto ni
Christian na id holder. 20 lang naman
siya :)

..at hinintay ko mag12 pm. Buti na
lang andun sina Jenelyn at Robert niya,
at dumating narin si Sheana :)

Ayos, sabay kami kumain, kasabay
din namin close prenz niya sa 1A.

...may dala pa nga siyang gummy
worms para sakin
eh. at dala niya
din yung scrap book niya, na puro
sulat ko at kung anu-anong ako.
May sulat din siya para sakin, pero
ang ikle. Namimiss ko ang mga
malanobelang sulat niya
..
Hindi yung, wala pang isang
segundo tapos na ako basahin,
dinaan sa width ng papel.

...klase, at pagkatapos, maaga kami
bumaba ng room. inexpect ko na andun
siya at naghihintay..

pero wala..

makalipas ang ilang minuto..
eh nakipagdaldalan na lang ako
kay Monte na sulpot ng sulpot.
"Bakit andito pa kayo?" tanong niya.
"Wala lang...may.." sagot ko :)

.."ahh, hinihintay mo boyfriend mo! Na`ko
nambabae na yun!!"

*tango* "Haha, ganun, edi manlalalake ako!"..
"Kaya mo? Di mo naman kaya eh">
"Hindi nga, joke lang yun" :)
"Buti di kayo pinapagalitan ng mga parents nyo?
Legal kayo?"
*tango ulit* (may halong pagdadalawang isip)
"Ang tagal.." sabi ko.
"Oras ba klase niya?"
"Wala na nga eh, kaso wala akong
pangtekz eh kaya di ko mainform na
wala na kaming klase. Nasa kanya pa
naman cp ko"
"Ha? Ba`t kayo nagpalit?"
"La, trip lang.."
-hiniling ko sa mga oras na
ito na sana eh nasa bahay na lang ako..

..nagdaldalan kami ni Monte
hanggan sa dumating si Christian.

Iniwasan ko ang mabugnot dahil
"monthsary" namin..

Inisip ko talaga eh, kaya siya
wala sa school eh dahil bumili siya
nung pinangako niyang cotton candy :)

..pero ang totoong dahilan, kaya daw
siya wala sa school eh dahil sumama
siya sa mga kaklase niya sa computer
shop. Ayos, kinakalimutan ko na
lang ang cotton candy.

Pero sana man lang, eh gumawa
siya ng malupit na
sulat!

Pinilit ko magpigil sa pagkainis..

Tapos, humingi ako nung gummy worms
na dinala niya para sa akin, ang kaso
sabi niya eh paubos na.

`Nak ng tokwa!

..tama bang kainin mo yung ibibigay mo?

Grrr. At di ko na napigilan, nung una,
pabiro ako nagsabing napakadaya niya.
Pero nanahimik ako sa sama ng loob.

Nung dumating mga kamag-aral niya,
eh inaya ko na lang siya na samahan
ako magtingin-tingin ng diksyunaryo.

..."ayoko sumakay, iwan mo na lang ako
sa simbahan maglalakad ako." sabi ko.

Pero di siya pumayag. Kaya ayun hinatid
niya nga ako hanggang palengke.

..tahimik kaming naglakad. Ako,
ng may dalang sama ng loob. Siya,
alam ko ganun din. Siguro inis nanaman
siya sa sarili niya. Ganun yun eh,
nagseself pity kapag naiinis ako.
Tinanong niya rin ako kung magloload
kami pero sabi ko ayoko, wala akong
pera, pagod ka mamaya wag na lang
[insert kahit anong palusot]
naka-off nga ang cp ko eh HAHA :)
note: ito ang first time na nag-tanong siya.

..tapos, nung pinapahiram ko pa
yung payong ko para di siya mabasa
sa paguwi, ayaw ng ayaw.
nakakainis, magpapakita ka ng concern
mo di pa tanggapin.


..at iyan ang happy monthsary.
on the contrary
. HaHa.

....hindi na ata requirement
ang magpakasweet ngayon sa isang
relasyon. Haha.

..Pauwi ay halos maluha-luha ako
sa pagkayamot. Naalala ko na naman
tuloy ang
tatay ko
. Di ko alam kung
alam ng tatay ko ang pagmumukmok ko
dati sa tuwing nagaaway kami ni
Christian, pero malamang.

..sa mga ganun oras, ipinagluluto
ako ng mahal kong tatay. kung di naman,
basta bababa ako sa kwarto, at manonood
kami ng spongebob o magmomovie marathon.

..Hay, nakakamiss si tatay :)
Pero mabuti`t nakakachat na namin
siya at nakikita. Salamat internet.

Lesson Learned:
"Wag ka na lang magexpect, kung
wala talagang maexpect. Wag ka
maghintay kung di bukal sa loob mo."

..sa ngayon din eh pinipilit ko
ilimit ang sarili ko sa pagiinternet
dahil ayoko maging adik. Baka kasi
matuyo ang utak ko. Haha. Joke. At
napaisip akong simulan na ang aking
pinapangarap na website, pero
sisimulan ko iyon sa isang blog
gamit wordpress. yung tipong website
and weblog in one :)


..Kahit na yamot ako kay Christian,
mahal na mahal ko parin siya
.
As in mahal, gusto ko lang
sanang maging gaya siya ng dati.
Napakasweet nun, tapos, lahat
pinaghihirapan at super effort.

Pero habang tumatagal naubos,
miminsan na nga lang yun magsulat
sa akin. Di gaya dati na araw araw.
Di na rin sumusulat sa diary namin.
Nakakayamot, nakaisang buwan `yun
sa kanya, inaamag na nga ata eh.

..napapalunok na lang ako sa
sinabi ng klasmeyt ko kanikanina
lang "ang sweet naman ng boyfriend mo!"
Kung SWEET talaga ang boyfriend ko,
namimiss ko na ang boyfriend ko.

..coffee break,
more SUGAR please.

added: nakakatuwa naman..
nasa 2nd na ako sa google search
ng nadine camille
..
actually first na pla :)
yung memorable post ko sa blog ko..
pang 2nd.. hayy.
memories..try niyo :)

7:58 p.m. - 2008-07-07

-----------------------------------------------------------------------------------------

previous - next

latest entry

about me

archives

notes

DiaryLand

contact

random entry

other diaries: